L'walhatiin si Jesus na Manunubos! Awitin ang Kaniyang pag-ibig, Mga anghel ay nangagpupiring lubos Puri't galang sa ngalang marikit; Matiyagang iingatan ka Niya, Kakalungin habang nabubuhay;
REFRAIN
Ipahayag ang kadakilaan Niya, Sa awit ay galak na isaysay!
L'walhatiin si Jesus na Manunubos! Hirap, sakit, Kaniyang tiniis; Namatay at ang dugo ay ibinuhos At sa sala tayo ay binihis; Ang nasasalingang bato'y si Jesus Ng pag-asa at kaligtasan;
L'walhatiin si Jesus na Manunubos Purihin Siya nang buong dangal, Ang propeta, hari't saserdote ng Diyos Maghaharing walang kawakasan; Paririto sa ikaliligaya Ng lahat ng nagsipanagumpay;